Inspirado sa kanyang laban ngayong araw sa China ang Pinoy Boxer na si Mark Anthony Barriga.
Ito ay dahil nasa China na rin ngayon si Fighting Senator Manny Pacquiao para magbigay suporta kay Barriga.
Dito ay makakalaban ni Barriga para sa regional championship fight ang Thai boxer na si Wittawas Basapean.
Una rito, matagumpay si Barriga na makuha ang tamang timbang para sa laban.