Naitala ang kauna-unahang pagkatalo ng Pinoy boxer na si Melvin Jerusalem sa kabila ng labing isang (11) panalo nito sa ring.
Ito’y makaraang nakaharap ni Jerusalem ang Thai boxer na si Wanheng Menayothin sa Phitsanulok sa bansang Thailand.
Pagtama ng below belt na suntok mula sa Thai boxer sa ika-walong round ang dahilan kaya’t unti-unti nitong naungusan si Jerusalem sa pagpapatuloy ng laban.
Dahil dito, bigo si Melvin na masungkit ang WBC o World Boxing Confederation World Minimumweight Title.
By Jaymark Dagala