Excited na si rising Super Bantamweight Champion ‘Prince’ Albert Pagara sa laban nito kontra sa Nicaraguan boxer bukas na gaganapin sa Cebu City.
Nakatakdang idepensa ni Pagara ang kanyang WBO Intercontinental Super Bantamweight crown laban kay Yesner Talavera.
Ayon kay Pagara, matagal nilang pinaghandaan ang lahat ng puwedeng gawin sa ibabaw ng lona ng kalabang si Talavera.
Tiniyak ni Pagara na magiging agresibo ito sa laban at hindi padadaig sa kalabang Nicaraguan.
Samantala, magiging bahagi ng undercard sa laban ni Pagara ang kapwa mandirigmang Pinoy na si Mark Magnifico Magsayo.
By Ralph Obina