Nadepensahan ni Pinoy Boxer John Virgel ‘Valiente’ Vitor ang kanyang WBO Oriental Jr. Lightweight title laban kay Korean Boxer Dong Kwan Lee.
Mabilis na pinabagsak ni Vitor si Lee sa pamamagitan ng right overhand sa kalagitnaan ng second round.
Matapos ang ginawang pag knockout, isang marahas na left hook naman ang binitawan ng Boholano Fighter laban sa South Korean Boxer.
Magugunitang 3 buwan bago ang naturang laban ay tinalo rin ni Vitor ang Thai Boxer na si Arnon Yupang sa loob lamang ng 2 round dahilan upang masungkit nito ang WBO Regional Crown.
Nagpaabot naman ang boksingero ng pasasalamat sa kaniyang fans at umaasang patuloy pa rin itong susuportahan sa mga susunod na laban.
Samantala, ginanap ang naturang laban noong Disyembre 8 sa Calape, Bohol. – sa panunulat ni Hannah Oledan