BIBIDA sa pagbubukas ng “Project Runway” Season 19 sa darating na Oktubre ang dalawang Filipino designers.
Sina Kenneth Barlis ng San Diego at Darren Apolonio ng New York ay kasama sa labing-anim na contestants na tuturuan ng tanyag na designer na si Christian Siriano sa kompetisyon.
Kabilang naman sa mga susuri o huhusga sa iba’t ibang disenyo ng mga Pinoy ay sina regular stars Nina Garcia, Brandon Maxwell, at Elaine Welteroth.