Pinarangalan ng United Federation of Filipino American Educators (UNIFFIED) ang mga Pinoy Educators sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa isinagawang awards ceremony sa New York, ginawaran ng UNIFFIED ng Outstanding Leadership in Education Award si Dr. Rommel Sergio ng Dubai, Dr. Maria Jade Opulencia ng UAE, Juan Carlos Antonio ng Thailand, Dr. Judilyn Solidum ng Maynila, Aireen Arbis at Dr Crisanto Avila ng Cavite, Loida Nartates ng Los Angeles California at Dr. Ma Nesga Provido.
Kinilala naman bilang influential teacher sina Melba Acantilado ng New Mexico, USA at Jonathan Garcia ng Los Angeles, California.
Ang Gawad Ulirang Guro Award naman ay ibinigay kay Mark Escobar ng North Carolina, Catalina Suerte ng New Jersey at Dr. Gilmore Solidum ng Pilipinas.
Ginawaran din ng Outstanding Leadership in Public Service sina Nelson San Juan na kauna-unahang Pinoy na itinalagang Deputy Commissioner ng Department of Labor and Workforce Development ng estado ng Alaska kung saan siya nagtatrabaho sa nakalipas na 23 taon.
Kabilang din sa binigyan ng parehong award sina Florente Coronel, Atty. Angelita Cordova Hayes at Dr. Rosalinda Bajolo ng New York.