Itinanghal na overall champion ang Pinoy eRacer sa ikawalong global edition ng eRacing Grand Prix (ERPG).
Ayon sa nagwaging si Iñigo Anton na nanguna sa gold class standings, hindi siya makapaniwala sa nangyari matapos ang ikawalong season.
Ang ERPG ay isang online motorsports competitions na gumagamit ng driving simulator, console at computer.
Hinati ito sa apat na bahagi; gold, silver, bronze at copper.
Ilan sa mga bansang pasok sa top 10 ng kompetisyon ay ang; Singapore, Malaysia, Hong Kong, Indonesia, Australia at US.