Laglag na sa Pyeongchang Winter Olympics ang Filipino figure skater na si Michael Martinez.
Ito ay matapos na mabigo ang pambato ng Pilipinas na umabot sa Top 24 ng preliminary phase ng men’s figure skating.
Kinapos si Martinez na nagtapos sa ika-dalawampu’t walong pwesto at nakakuha ng kabuuang 55.56 points.
Gayunman, nagpasalamat si Martinez sa lahat ng mga sumuporta sa kanya sa paglahok sa 2018 Winter Olympics.
Ayon dito, proud siyang ikatawan ang Pilipinas sa ikalwang pagkakataon sa Winter Olympics.
—-