Pasok na ang Pinoy figure skater na si Michael Martinez sa 2018 Winter Olympic Games na gaganapin sa South Korea.
Natanggap ni Martinez ang magandang balita mula sa Philippine Olympic Committee.
Sinasabing umatras ang isang skater mula sa Sweden dahilan upang magbukas ang isang spot para kay Martinez.
Matatandaang nabigo si Martinez na pumasok sa top 7 ng Olympic qualifiers sa Germany makaraang nagtapos ito sa ika-walong pwesto.
Ang Winter Olympics ay mag-uumpisa sa Pebrero 19.
—-