Ikinokunsidera umano ng Chinese government na payagan na ang mga mangingisdang Pinoy na pumalaot sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal.
Ito ang inihayag ng dalawang source ng Reuters mula sa Chinese government na may direktang ugnayan sa liderato nito.
Kasalukuyang nasa China ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang state visit kung saan, inaasahang makakapulong nito si Chinese President Xi Jinping sa Biyernes.
Gayunman, nilinaw ng dalawang source ng Reuters na papayagan ng China ang pagpalaot ng mga mangingisdang Pinoy sa kundisyong bubuo ang dalawang bansa para ayusin ang sigalot.
By Jaymark Dagala