Tumigil na sa pagpalaot sa Panatag Shoal ang mga mangingisdang Pinoy.
Ito’y dahil lalo umanong naghigpit ang Chinese Coast Guard kasunod ng naging pasya ng Arbitration Tribunal na pabor sa Pilipinas.
Ayon kay Gerry Baldea, skipper ng F/B Queen Mae, tinangka nilang pumalaot sa Panatag noong nakaraang linggo pero hinarang at itinaboy sila ng dalawang rubber boats ng Chinese Coast Guard.
Dahil dito, doon na lamang sila nangingisda sa lugar na malayo sa Panatag Shoal o tatlumpung milya sa Timog Silangan ng nasabing teritoryo na kilala rin sa tawag na Bajo de Masinloc.
By Jelbert Perdez