Umakyat na sa 13,000 ang bilang ng health workers na tinamaan ng COVID-19.
Batay sa tala ng Department of Health, sa nasabing bilang 157 ang aktibong kaso habang nasa 12,820 ang nakarekober na mula sa sakit at pitumput anim naman ang nasawi.
Samantala, nananatili namang nangunguna ang mga nurse sa pinaka maraming bilang na tinamaan ng covid na sinundan ng mga doktor.
Malaki rin ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa hanay ng nursing assistants at medical technologist.