Umatras na si Pinoy ice skater Michael Martinez sa huling qualification tournament para sa 2022 Beijing water olympics.
Ayon sa Philippine Skating Union, ito’y matapos na magkaroon ng pabalik-balik na injury si Martinez kaya’t hindi ito sumali sa Nebelhorn Trophy sa Germany.
Ibig sabihin, hindi na rin matutuloy ang pagsali sana nito sa Winter Olympics.
Dahil dito, sina Sofia Frank, Edrian Celestino at Julian Macareng na lang ang kakatawan sa bansa para sa Winter Olympic qualifying competition.