Nai-deliver na ng Manila HealthTek Lab Incorporated sa University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ang gawa nitong coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kit.
Ang UP-NIH ang unang health facility na gagamit sa GenAmplify COVID-19 RRT -PCR test kit sa ilalim ng field implementation na pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Council for Health Research and Development.
Ayon sa DOST, ang field implementation ay sumasakop sa 26,000 tests at nasa P53.2-milyon ang kabuuang halaga ng nasabing proyekto.
Sinabi ni DOST secretary Fortunato Dela Peña na ang pamamahagi ng mga nasabing test kits ay magpapataas sa kapsidad ng UP-NIH na magsagawa ng mas marami pang test araw-araw o 25 tests kada isang pagkakataon at malalaman na kaagad ang resulta sa loob ng dalawang oras.