Mayorya ng mga filipino ang mas pinahahalagahan ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos kaysa sa China.
Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations, kung saan lumabas na 78% ng mga respondents ang nagsabing mas mahalaga ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika.
Habang12% naman ang nagsabing mas mahalaga ang relasyon ng Pilipinas sa China kaysa sa relasyon ng bansa sa Estados Unidos.
Sa kapareho ding survey, lumabas na 52% ng mga Pilipino ang naniniwalang posibleng magkaroon ng kapwa magandang relasyon ang Pilipinas sa Estados Unidos at China habang 41% ang nasabing imposible ito.
Magugunitang sa survey din ng SWS nitong ikatlong bahagi ng taon, nakakuha ng negative 33 o katumbas ng “bad” ang trust rating ng mga filipino sa China habang excellent naman sa Estados Unidos.
Isinagawa ang survey mula September 27 hanggang 30 sa may 1,800 mga adult respondent sa buong bansa.