Nagpapasalamat ang Pinoy Matteo Do ng “My Love from the Star” na si Gil Cuerva sa good feedback na nakukuha niya mula sa fans.
Sinabi ni Gil na natutuwa siya sa mga comments dahil nararamdaman niyang nagbubunga naman ang kaniyang pagsusumikap sa nasabing Pinoy adaptaton ng sikat na Korean novela.
Nagpapasalamat din si Gil hindi lamang sa ka-partner niyang si Jennylyn Mercado kundi maging kay Direk Joyce Bernal na ina-alalayan siya sa kaniyang pag-arte.
Ayon kay Gil, nakikita niya ang chemistry sa tambalan nila ni Jennylyn na gumaganap bilang si Steffi Chavez.
Ipinabatid ni Gil na nagiging at ease na siya kasama si Jennylyn dahil nakikilala na niya ito habang nagta-trabaho sila.
By Judith Estrada – Larino