Bigo ang Pinoy Mixed Martial Arts Champion na si Eduard Folayang na depensahan ang kanyang “one lightweight” belt.
Ito’y makaraang pabagsakin siya ng Vietnamese-Australian challenger na si Martin Nguyen sa round 2 ng kanilang paghaharap sa main event ng “One Championship: Legends of the World” sa MOA Arena, Pasay, kagabi.
Bagaman dinominahan ni Folayang mula sa Team Lakay ang Round 1 sa pamamagitan ng mga sipa at suntok lalo ng kanyang spinning fist, tinamaan naman ang tinaguriang landslide ng kanan o overhand right ni Nguyen.
Matapos nito ay agad bumagsak ang Filipino MMA fighter at saglit nawalan ng malay pero agad siyang nilapitan ng kalaban na kanya ring kaibigan upang alamin ang kanyang kalagayan.
Hawak na ni Nguyen ang one lightweight at featherweight title at target namang makalaban ang Brazilian bantamweight champion na si Bibiano Fernandez, sa susunod na taon.
—-