Nahuli na ang Pilipinong kabilang sa Top 10 Most Wanted Fugitives ng Federal Bureau of Investigation (FBI).
Ayon sa FBI Los Angeles, naaresto si Philip Patrick Policarpio habang sinubukang bumiyahe patungong Amerika mula Mexico.
Si Policarpio ay may patong sa ulo na $100,000 Dollars o nasa P4.7 million Pesos dahil sa pagpatay sa buntis na kasintahang si Lauren Olguin pati na sa anak nitong nasa sinapupunan pa lamang.
Naganap ang krimen noong Abril 12 sa N. Virgil avenue sa East Hollywood, Los Angeles, California sa isang pagtitipon noong nakaraang buwan.
Pinagsusuntok umano ni Policarpio ang biktima at binaril sa ulo sa harap mismo ng mga bisita.
By: Mariboy Ysibido