Nananawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga kaanak ng overseas Filipino worker (OFW) na si Richard Soriano.
Si Soriano ay nakararanas ng amnesia at iniuwi sa Pilipinas noong Biyernes matapos matagpuan sa isang ospital sa China.
Hindi na idinetalye pa ng DFA ang kasalukuyang kondisyon ni Soriano at sa posibleng dahilan ng kanyang amnesia.
Nakikiusap naman ng DFA sa publiko na makipag-ugnayan sa tanggapan ng undersecretary for migrant workers affairs sa mga numerong 834-4996 o 834-3246 sakaling may nakakakilala sa kaanak ni Soriano.