Timbog ng PNP Anti Cybercrime Group ang isang computer science graduate dahil sa umanoy pag upload ng piniratang pelikula at tv shows online
Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Rainier Tamayo na una nang inireklamo ng isang international film group dahil sa pag leak ng mga pelikula sa internet
Sinasabing kumikita si Tamayo ng 2, 500 US dollars o 120 Thousand Pesos mula sa mga advertisement sa kaniyang website kung saan halos 5000 ang bumibisita buwan buwan
Ayon kay PNP Anti Cyber Crime Group Public Information Officer Supt Jay Guillermo mapapanuod na ang malalaking US film sa website ni Tamayo, isang araw matapos itong mapanuod sa mga regular na sinehan dito sa bansa kayat dun ka na manunuod sa libre
Nabatid na taong 2011 pa nagsimula si Tamayo sa pamimirata ng mga pelikula at tv shows
By: Judith Larino