Halos dalawang buwang himas rehas ang Pilipinong nagbitbit ng walis tambo nang sugurin ng protesters ang US Capitol noong January 6, 2021.
45 araw ang sentensyang ibinaba ng US District Court kay Kene Brian Lazo na inaresto noong May 2021 sa kanyang bahay sa Norfolk, Virginia at pumasok sa plea agreement kaugnay sa misdemeanor cases.
Si Lazo ay kabilang sa libu-libong supporters ni dating US President Donald Trump na tinukoy ng FBI na kasama sa grupong iligal na pumasok sa US Capitol.
Nagpahayag na umano nang pagsisisi si Lazo sa kanyang partisipasyon sa paglusob sa US Capitol na ikinasawi ng lima katao.
Bukod sa misdemeanour, si Lazo ay nahaharap din sa kasong sexual battery sa isang bata sa Virginia, ilang buwan matapos ang insidente sa US Capitol.