Iniutos ng Muntinlupa Regional Trial Court na palayain na ang pilipinong nahatulan ng pagkakakulong sa pagpatay sa isang army colonel ng United States na si James Rowe noong 1989.
Pinaboran ng Muntinlupa RTC branch 204 ang Writ Of Habeas Corpus na inihain ng kampo ng bilanggong si Juanito Itaas, ang itinuturing longest detained political prisoner.
Matatandaang hinatulan ng korte noong 1991 na makulong si Itaas ng hanggang 39 na taon dahil sa pagpatay noong 1989, inaakusahan si Itaas na miyembro ng new people’s army at noong ngang taon 2,000 ay kinatigan ng korte suprema ang hatol na guilty laban kay Itaas.
Ayon sa Muntinlupa Court, mahigit 30 taon nang nakakulong si Itaas, nakalikom na rin umano si Itaas ng 29 taon mula sa kaniyang good conduct time allowances. Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na naghain ang Office Of The Secretary General ng motion for reconsideration sa desisyon ng korte. —sa panulat ni Mara Valle