Kulong sa Malaysia ang isang Pilipino at tatlong dayuhan dahil sa hinalang ugnayan sa mga militanteng grupo.
Kabilang sa mga dayuhang ito ang dalawang Ethnic Rohingya mula sa Myanmar.
Ayon kay Abdul Hamid Bador, inspector general of police ng Malaysia, ang Rohingya suspects ay nakakulong dahil sa pagsuporta umano sa Arakan Rohingya Salvation Army, ang insurgent group na nasa likod ng 2017 attacks.
Isa sa mga suspek ay 41-taong gulang na construction worker na una nang nagpalabas ng death threat laban kay Bangladesh Prime Minister Sheikh Hasina sa isang video na iniupload sa social media.
Kabilang din sa mga suspek ang isang 54-taong gulang na Pilipino na umano’y may ugnayan sa Abu Sayyaf at hinihinalang sangkot sa kidnapping activities sa Sabah.
Ang ika-apat na suspek ay isang 24-anyos na Indian National na nagsilbi umanong facilitator sa isang senior member ng Babbar Khalsa International na isang Sikh separatist group.
Nakataas na ang high alert sa Malaysia simula nang magsagawa ng mga pag-atake ang mga armadong kalalakihan na kaalyado ng Islamic State sa Jakarta, Indonesia.