Umaaray na ang ilang Pinoy dahil sa taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ito’y matapos maitala ang 7.7% inflation rate na itinuturing na pinakamataas na porsiyentong naitala sa halos 14 na taon.
Sumipa sa 9.4% ang inflation rate sa pagkain habang nasa 0.85% ang purchasing power ng piso, ilan sa mga itinuturong dahilan nito’y ang taas-presyo ng gulay noong nagdaang bagyo.
Kung kaya’t inihirit ng non-government organization—IBON foundation sa pamahalaan na suspendihin ang pangongolekta ng consumption taxes.
Samantala, ayon sa ilang ekonomista posibleng umakyat pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa unang quarter ng taong 2023.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon