Sinentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong ang isang Pilipino sa Taiwan.
Ayon sa ulat ng Taiwan News, kinilala ang Pinoy na si Darwin Gorospe Sarmiento, 33 taong gulang at hinatulang guilty ng Supreme Court ng Taiwan sa kasong pagpatay sa may-ari ng isang grocery store sa Taoyuan country noong 2014.
Sa desisyon ng Taiwan’s Supreme Court, napatunayan na si Sarmiento ang suspek base sa surveillance camera footage mula sa grocery store kung saan nakitang kumakatok ito sa pinto ng tindahan bitbit ang isang martilyo, hanggang sa pinagsasaksak na nito ang biktima gamit ang screwdriver noong April 11, 2014.
Sinasabing uutang sana ang Pinoy sa may-ari ng tindahan, pero hindi umano ito pinautang kaya nagawa ang krimen.
Ipinaliwanag naman ni Sarmiento na nais lamang niyang takutin noon ang Taiwanese at hindi niya intensyong patayin ito.
By: Meann Tanbio