(Updated)
Isang Pilipina ang nawawala matapos ang magnitude 6.4 na lindol na tumama sa kilalang tourist city ng Hualien sa Taiwan.
Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) chief Lito Banayo, ang nasabing Pinay ay nagtatrabaho bilang caretaker sa isang nursing home na nasa loob ng gusaling gumuho noong kasagsagan ng lindol.
Sinabi ni Banayo na tuluy tuloy pa ang retrieval operations kaya’t hindi pa matiyak kung ligtas ang nasabing Pilipina.
Naglilibot na rin aniya sa mga ospital ang MECO team para ma-check kung may mga Pilipinong isinugod doon.
Ipinabatid ni Banayo na ang napaulat na dalawang nasawi sa lindol ay hindi naman mga Pilipino.
—-