33 beses na mas lantad ang Filipino netizen sa banta ng cyberattacks dahil sa kakulangan ng proteksyon laban sa pirated websites.
Sa pag-aaral ni Paul Watters, isang Australian Reseacher, lumalabas na mas madaling mabiktima ng hacking at data breach ang mga Pilipinong nanonood ng media contents sa mga piniratang website kaysa sa ligal na mga TV at film platforms.
Sinabi ni Watters na mas mabilis makakuha ng customer data sa mga illegal sites kaysa mang-hack ng iba pang website.
Dahil dito, dapat aniyang magkaroon ng maayos na batas at kaalaman ang netizen upang hindi mabiktima ng cyberattacks.