Isa hanggang dalawang libong Pinoy nurses at medical workers ang kailangan sa Germany.
Ipinabatid ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasabay ang anunsyo sa pagbubukas ng panibagong POLO o Philippine Overseas Labor Office sa Berlin.
Maaari aniyang makapag sumite ng requirement ang mga interesadong aplikante hanggang June 30.
Sinabi pa ni Bello na ang aplikante ay dapat nakapagtapos ng Bachelor of Science in Nursing, may lisensya mula sa PRC, dalawa o higit pang taong work experience at handang matuto ng German language.