Demoralisado na umano ang Pinoy nurses dahil sa kabiguang makuha ang makatuwirang kumpensasyon sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Maristela Abenoja, pangulo ng Filipino Nurses United, matapos hindi pa rin nakukuha ng mga nurse sa public hospitals ang starting salary ng Salary Grade 15 o P32,000 habang minimum naman ang kinikita ng mga nurse sa private hospitals.
Nadedelay rin aniya ang pagpapalabas ng special risk allowance ng health workers gayundin ang hazard pay ng mga ito.
Dahil dito, ipinabatid ni Abenojar na demoralisado na ang mga nurse na ang iba ay nag-iisip nang magresign o lumipat ng trabaho dahil hindi nila ramdam na mahalaga sila sa gobyerno o binibigyan sila ng sapat na suporta at pagkalinga sa gitna na rin ng matinding pagod na dinaranas nila.
Sinabi ni Abenojar na maraming nurses na tatlong beses nang nakaranas ng COVID-19 subalit hindi pa rin nakukuha ang kumpensasyon sa unang beses nilang dinapuan ng nasabing virus.
Nangunguna ang mga nurse sa bilang ng health workers na tinamaan ng COVID-19 o 6,000 sa 17,000 medical frontliners sa bansa.