Sumampa na sa 20,922 Overseas Filipino Worker ang tinamaan ng COVID-19.
Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs, 6 pang OFW ang panibagong kaso ng COVID-19 habang nakapagtala rin ng 2 bagong fatalities.
Nasa 7,296 naman ang kasalukuyang ginagamot sa ibayong dagat habang 12,381 na ang nakarekober at 1,245 ang namatay.
Matatagpuan ang mga Filipinong tinamaan ng COVID-19 sa 95 bansa o territories.
Pinaka-marami sa Asia Pacific, 1,720; Europe at Middle East, 4,521. —sa panulat ni Drew Nacino