Nadagdagan pa ng panibagong 116 ang bilang ng ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay ito sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), dahilan para pumalo na sa 984 ang kabuaang bilang ng mga ito.
Nakapagtala rin ng pinakamaraming bagong bilang ng nasawi na 25 kaya’t pumalo na sa 140 ang kabuuang death toll.
Samantala, patuloy namang nagpapagaling ang nasa 585 Pinoy overseas na tinamaan ng COVID-19 habang ang 259 na pasyente naman ay naka-recover na.
Naitala sa Europa, na may 350 cases, ang pinakamaraming bilang ng Pinoy overseas na nagpositibo sa COVID-19 kung saan 50 rito ang nasawi habang 26 ang naka-recover.
Sumunod naman dito ang Asia Pacific Region na mayroong 274 cases kung saan dalawa ang namatay at 163 ang naka-recover; sumunod dito ang Amerika at pinakakonti ang naitala sa Middle East o African region.
Kinumpirma rin ng DFA ang pagpanaw ni Erik Belfrage, Philippine Honorary Consul General sa Stockholm, dahil din sa komplikasyong dulot ng COVID-19.