Handa na ang mga Pinoy Para-athletes para sa nalalapit nilang laban sa ASEAN Para Games na nakatakdang ganapin sa Hulyo a-30 na tatagal hanggang Agosto a-6 sa Surakarta, Indonesia.
Aabot sa 144 na Pilipinong atleta ang lalahok para ipakita ang kanilang galing at ipakilala ang bandila ng Pilipinas.
Ayon kay Athletics coach Joel Deriada, kahit gigil nang lumaro ang mga atletang pinoy, importante parin ang matinding pagsasanay para maipakita ang magandang performance matapos ang dalawang taong pahinga bunsod ng covid-19 pandemic.
Bibiyahe ang Philippine team sa darating na Hulyo a-26 sakay ng isang Chartered Philippine Airlines flight ang 68 opisyal, kabilang na ang mga coach, trainer at medical staff.
Sasabak ang mga Filipino athletes sa archery, athletics, badminton, boccia o precision ball, chess, goal ball, judo, powerlifting, sitting volleyball, taekwondo, swimming, table tennis at wheelchair basketball kung saan, layunin nilang malampasan ang medal haul ng 9 na ginto, 5 pilak at 6 na tansong medalya noong 2017 edition sa Malaysia.