Nakasungkit ng medalya ang Filipino Paralympian na si Allain Ganapin sa naganap na 7th Asian Para-Taekwondo Open Championship sa Vietnam.
Tinalo ni ganapin sa quarterfinals ng men’s 80 kilogram k44 si Kudrat Muhammadiev ng Uzbekistan sa iskor na 7-4 pero nabigo ito matapos matalo ni Nurlan Dombayev ng Kazakhstan sa semifinals sa iskor na 9-12.
Nabatid na si Ganapin, ang nag-iisang pinoy na naglaro sa para-taekwondo tournament kung saan kaniyang naiuwi ang bronze medal.
Matatandaang nag-uwi din ng karangalan si Ganapin matapos masungkit ang gintong medalya sa 2022 Sharjah qualification tournament na ginanap sa United Arab Emirates noong Hulyo na nagresulta upang siya ay maging kwalipikado para lumaban sa Asian Para Games sa Hangzhou, China sa susunod na taon.