Nasungkit ng Paralympian na si Ernie Gawilan ang unang gintong medalya ng Pilipinas matapos magwagi sa Men’s 400 Meters Freestyle S7 TF Event, sa ASEAN Paragames 2022 na ginanap sa Jatidiri Sports Complex sa Semarang, Indonesia.
Ayon sa kanyang Facebook post, nagpasalamat si Gawilan sa Philippine Sports Commission (PSC), National Sports Association (NSA), at sa kanilang mga taga suporta.
Nakuha rin ni Roland Sabido ang pangalawang gintong medalya sa Men’s 400 Meter Freestyle S9 Class sa Paraswimming habang bronze naman ang kay Edwin Villanueva, isa ring Paraswimmer, sa Men’s 400 Meter Freestyle S8 Class.
Nakamit naman ni Cendy Asuseno ang pangatlong gintong medalya sa Women’s Javelin Throw F54 Event.
Samantala, nakubra naman ni Daniel Enderes Jr. ang bronze medal sa Men’s 5000 Meters T20 Competition sa Para Athletics habang silver medal naman ang nakuha ng Philippine Men’s 3×3 Wheelchair Basketball Team.
Nagdagdag ng panibagong bronze ang trio nina Smith Billy Cartera, Racleo Martinez at Darwin Salvacion mula sa Men’s Table Tennis TT4. —sa panulat ni Hannah Oledan