Isang tripolanteng Pinoy ang patay sa nasunog na supertanker sa Indian Ocean.
Kinumpirma ito ng Sri Lanka Navy kung saan mayroong 18 mga Filipino crewmen ang sakay nasabing barko.
Nabatid na nasa 2 milyong bariles ng langis ang karga ng New Diamond Tanker na naglalayag mula Kuwait at Indian Ocean.
Maliban sa mga Pinoy, lulan din ng nasabing barko ang 5 Greek crewmen na kasama nito.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng pagkakasunog ng oil tanker.