Isang Pinoy sa Sandakan, Malaysia ang nasawi matapos masunog ang barkong kanyang sinasakyan.
Kinilala ang biktima na si Susulan Abraham, 36 anyos na natagpuang palutang-lutang sa karagatan ng Malaysia.
Kargado ng 470 drum ng petrolyo ang M/L Harma nang sumiklab ang sunog na kumalat din sa iba pang bangkang gawa sa kahoy.
Ayon sa Malaysian Maritime Enforcement Agency, patungo sanang Bongao, Tawi-Tawi sa Pilipinas ang barko upang maghatid ng 94,000 litres ng petrolyo nang magkaroon ng pagsabog sa engine room na sinundan ng isa pang pagsabog.
Base sa imbestigasyon, madaling kumalat ang apoy dahil sa kawalan ng fire extinguishers at wala ring life jacket ang mga crew kaya’t posibleng maharap sa kaso ang may-ari ng barko habang inaalam na rin kung ano ang sanhi ng pagsabog.
By Drew Nacino | Allan Francisco