Nakauwi na ng Pilipinas ang Pinoy Pole Vaulter na si EJ Obiena matapos ang tatlong taong paglahok nito sa ibat-ibang kompetisyon sa ibang bansa.
Nabatid na nasungkit ni EJ ang anim na gintong medalya mula sa Eight Outdoor Tournaments sa Europe.
Masayang sinalubong ang atleta kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala kasama ang mga magulang nito na sina Emerson at Jeanette Obiena sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.
Kasama din ni Obiena na dumating sa bansa ang kaniyang kasintahan na isang German track and field athlete na si Caroline Joyeux.
Ayon sa PSC, malaking karangalan sa Pilipinas ang naiuwing mga medalya ng sports hero na si Obiena dahil sa kaniyang pagsusumikap na muling makilala ang bansa pagdating sa larangan ng pampalakasan.