Humingi ng paumanhin ang pole vaulter na si Ernest Obiena sa Pinoy fans matapos mag-withdraw sa South East Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon sa official statement ni Obiena, nakaranas siya ng ACL o Anterior Cruciate Ligament sa tuhod.
Inamin ni Obiena na dismayado siya sa nangyari lalo na’t handang-handa na siya sa pagsabak sa Sea Games.
Si Obiena ay nakapagtala ng Philippine record nang lumahok ito sa Germany International Event kung saan binali nito ang sariling record na nakuha nito noong 2016.
Una na ring umatras si Patrick Unso na nakatakdang sumabak sa 110 meter hurdles matapos magka-injury sa kanyang hamstring.
By Judith Estrada – Larino