Hinarang ng mga barko ng China ang isang Government research vessel ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Batay sa datos ng US-based Asia Maritime Transparency Initiative, binuntutan at hinarang ng mga Chinese vessel ang research vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources habang nasa Ayungin Shoal, noong April 21.
Nakatawag pansin ang aktibidad ng BFAR kaya’t dinikitan at binuntan ito ng Chinese Coast Guard.
Dahil dito, umatras ang barko ng Pilipinas kahit ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Philippine Exclusive Economic Zone at Continental Shelf.