Patay ang isang Pinoy sa Myanmar dahil COVID-19 nuong nakaraang Linggo.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador kay Myanmar Eduardo Kapunan Jr. sa gitna ng lumalalang kaso ng sakit sa duon.
Ayon kay Kapunan, nagkakaubusan na ng suplay ng medical oxygen sa mga pagamutan sa Myanmar dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19.
Ang Pinoy aniyang ito na nagkaroon ng COVID ay nagbigyan naman ng oxygen ng kaniyang employer ngunit pagdating sa ospital ay wala na siyang oxygen.
Kamakailan, itinaas sa alert level 4 ang sitwasyon sa Myanmar kung saan inirerekomendang lumikas ang mga Pinoy na nagtatrabaho roon.