ISA pang batch ng mga Filipino seafarers mula Ukraine ang dumating sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, lumapag sa Clark International Airport sa Pampanga ang eroplanong sinakyan ng mga tripulante ng MV Ithaca Prospect.
Dahil dito, umakyat na sa 323 ang mga Filipino seafarers na nailikas mula Ukraine kasunod nang paglusob ng Russia sa naturang bansa.