Isang Pinoy ang nagpositibo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa Japanese cruise ship na naka-quarantine sa Yokohama, Japan.
Ang Pinoy ay napag-alamang crew member ng Diamond Princess.
Samantala, syam (9) pang pasahero ng cruise ship ay ang kumpirmadong positibo sa 2019 nCoV-ARD.
Tatlo sa mga ito ang mula sa Hong Kong, tatlo mula sa Japan, dalawa sa Australia at isa ang mula sa Estados Unidos.