Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi apektado ng Saudization ang mga Pilipinong nagta-trabaho sa Saudi Arabia.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi saklaw ng nasabing labor scheme ang household service workers dahil walang Arabong papayag sa ganitong uri ng trabaho.
Batay sa Saudization scheme na nakatakdang ipatupad sa Setyembre 11, hindi na papayagang magtrabaho sa Saudi ang mga dayuhang obrero kabilang na ang mga Pinoy sa sales at retail.
Kasunod nito, umapela si Bello sa mga Pilipinong skilled workers na umuwi na lamang sa Pilipinas dahil kailangan sila para sa nagpapatuloy na Build, Build, Build program ng administrasyon.