Gumawa ng games at applications ang mga Pinoy tech experts para malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang dalawang mobile applications ay idinisenyo para matulungan ang medical frontliners at higit na maging mabilis ang contact tracing.
Mayruon ding bagong computer game para mas madaling maintindihan ang “The new normal”.
Una rito ang “In The Time of Pandemia” na isang simulation game mula kay game developer khail santia kung saan sinusubukan ng player na i-manage ang krisis sa isang lugar na ginupo ng COVID-19.
Layon ng nasabing laro na: ma-minimize ang bilang ng mga patay, mapababa ang kaso at magastos ng maayos ang public funds at magagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng test kits, testing, isolation, lockdown at treatment.
Ikalawa ang SINAT app kung saan ang kahulungan ng SINAT ay smart intuitive and non-contact assessment triagingna ginawa ng volunteer developers para makatulong sa medical frontliners.
Maaaring gawing improvised temperature scanning devices ang smartphones gamit ang isang special wireless device para madaling maikunsulta ng users ang mga sintomas sa medical experts na magsasabi sa kanila kung kailangan ng dagdag testing.
Ikatlo ang EDDIE app kung saan si EDDIE ay isang emergency dispatcher app na nagbibigay daan sa mga tao para sa kahilingang medical transfers sa emergency situations.
Makakatulong din ang EDDIE app sa mga frontliners at health workers para makahanap ng libreng sakay sa mga government authorized vehicles sa panahon ng lockdown.