Dalawang bagong Filipinong salita ang nailagay sa Oxford English Dictionary nitong Oktubre.
Ito ay ang mga salitang ‘Bongga’ at ‘Trapo’.
Batay sa Oxford English Dictionary, ang salitang bongga ay may kahulugang extravagant, flamboyant, impressive, stylish o excellent.
Habang ang trapo na pinaikling salita para sa traditional politician ay may kahulugan namang “Politician perceived as belonging to a conventional and corrupt ruling class”.
Pasok rin sa Oxford English Dictionary ang ilang salitang may kaugnayan sa pagkain galing sa Pilipinas tulad ng bagoong, bihon, calamansi, carinderia, ensaYmada, palay, panciteria, sorbetes at turon.
Sa kasalukuyan, binubuo ang Oxford ng mahigit 600,000 mga salita.