Sumampa na sa mahigit P163-M ang pinsala ng bagyong Ineng sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), partikular na natukoy ang pagtaas sa halaga ng pinsala sa Ilocos Norte na umabot sa P33.31-M at Batanes na P1.46-M.
Natukoy ang malaking bahagi ng pinsala sa agri-infrastractures tulad ng mga irigasyon na nasa 75%, 16% sa palay, 3.9% sa palaisdaan habang 2.4% sa mga high value crops.
Samantala, namahagi na ng mahigit P18-M halaga ng mga buto ng mais, gulay at palay sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Ineng.
Gayundin, makakapag-avail na ng P25,000 emergency financial assistance ang mga nasalantang magsasakang sa ilalim ng survival and recovery program ng DA.