Aabot na sa P135 million ang halaga ng pinsala ng bagyong Karding sa mga imprastraktura.
Ayon sa Department of Public Works and Highways, kabilang sa mga nasira ang mga flood-control structure, kalsada at tulay.
Pinaka-matinding hinagupit ang mga flood-control stucture na aabot sa P78 million ang halaga ng pinsala.
Pawang sa Central Luzon ang karamihan ng mga imprastrakturang sinira ng bagyo.