Pumalo na sa 3.12 billion pesos ang pinsalang idinulot ng pananalasa ng bagyong Karding sa sektor ng agrikultura.
Sa huling datos ng Department of Agriculture (DA) mas mataas ito kumpara sa 2.95 billion pesos na naitala noong Biyernes.
Apektado ng bagyo ang 170,762 ektarya ng pananim sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol region, at Western Visayas.
Ang bigas ang pinakanasira ng bagyo na umaabot sa 2.02 billion pesos matapos masira ang 163,162 ektaryang pananim nito.
Sumunod sa pinaka-napinsala ang mga high-value crops na umaabot sa 831.29 million pesos.
Sa ngayon, umabot na sa 500 million pesos ang inihandang quick response fund ng DA para sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.