Lumobo pa sa P 2.95- B ang pinsalang idinulot ng bagyong Karding sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA) na ibinase sa Disaster Risk Reduction and Management Operations Center(DRRM) , mas malaki ito kumpara sa P 2.02 B na naitala kahapon.
Nasira ng bagyo ang aabot sa 164,217 ektarya ng pananim sa Cordillera Administrative Region(CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, at Western Visayas na nakaapekto sa 103,552 magsasaka at mangingisda na may production loss na 154,734.
Ang mga produktong naapektuhan ng bagyo ay palay, mais, high-value crops, livestock, poultry at fisheries.