Sumampa na sa 3.11 billion pesos ang naitalang pinsala ng bagyong Kristine sa sektor ng agrikultura.
Batay sa datos ng Department of Agriculture, mayorya ng danyos sa agrikultura ay nagmula sa pananim na palay na aabot sa mahigit 100,000 metriko tonelada.
Kabilang sa iba pang agricultural commodities na apektado ay mais na may 1,461 metrikong tonelada; kamoteng kahoy na may 126 na metrikong tonelada at mahigit 6,000 metriko tonelada naman sa high value crops.
Samantala, sumampa na sa 3.3 billion pesos ang naitalang pinsala ng bagyong Kristine sa imprastraktura ng mahigit 38,000 paaralan sa bansa.
Batay sa unang datos ng Department of Education, kakailanganin ng 2.7 billion pesos upang maitayo muli ang mga paaralang nasira ng bagyo at karagdagang 680 million pesos para sa major repair. - sa panulat ni Kat Gonzales